GULOD URBAN POOR ALLIANCE, SUMAILALIM SA COMMUNITY-BASED DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT (CBDRRM) SEMINAR

20 Feb

ni Theresa Antonio

Oportunidad para sa aming mga taga-Barangay Gulod ang apat na araw na pag-kakataong ibinahagi sa amin ng TAO Pilipinas at ng Foundation for the Development of the Urban Poor (FDUP). Bumukas sa aming mga mata ang nangyari noong Bagyong Ondoy, subali’t sa tulong ng seminar na ito, kami ay higit na naging mulat sa ka-halagahan ng paghahanda sa mga darating na panganib sa aming mga komunidad. Ang Barangay Gulod ay isa sa mga bulnerableng lugar sa Quezon City. Lantad ito sa mga panganib gaya ng baha, sunog, pagguho ng lupa (lalo na sa mga naninirahan sa mga tina-guriang danger areas), lindol (lalo na’t nasa ibabaw o malapit sa tina-tawag na West Valley Trench), at tagtuyot. Pinalalala ang mga ito ng nararanasan nating pagbabago sa klima dulot ng global warming at patuloy na pagdami ng populasyon. Sa mga ibinahaging kaalaman ng mga eksperto sa usaping klima, kalamidad, at paghahanda para sa mga panganib, natutunan namin ang mga maaaring agarang pagtugon sa sasagupaing mga panganib sa aming komunidad. Gamit ang module at mapang idinisenyo ng TAO Pilipinas, aming nasuri ang mga panganib sa pitong area ng Gulod. Gamit naman ang inputs ng mga dalubhasa sa natural disasters, nakapaglista ang mga dumalo ng mga posibleng proyekto para maibsan ang mga negatibong epekto ng mga kalami-dad, higit lalo ng mga mahihirap na pamilya. Bilang mga pinuno ng Gulod Urban Poor Alliance (GUPA), tungkulin naming ibahagi ang mga ito sa aming mga kabarangay. Una sa mga isusu-long namin, kasama sina Kagawad Marlon Serrano at Kag. Nonito Gonzales, ang pagbubuo ng isang barangay disaster coordinating council (BDCC). 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: